“When will you say you love someone? When it’s too late and never would that person hear what you’re trying to say?”
Ako si Gabriella… and my friends usually calls me, Gab.
Mahigit tatlong taon narin kaming hindi nagkikita ni… Raph.
Kinalimutan ko na siya.
Dahil hindi naman din ganun katagal at ka-espesyal ang pagkakaibigan namin.
Then, out of the blue, may lumapit sakin.
“Gab!”
“Yes? Do you need something?”
“A… Don’t you remember me?”
… and he showed me something. (A picture)
“Raphael…
Why did you…”
“Come back?
‘Cause I’m searching for someone. At buti nalang nahanap ko na siya.”
“Raph, what are you doing here?”
“You’re studying here…”
“So?”
“And you’re being mean.
Gusto lang naman kitang makita.”
“Let’s see each other some other time Raph.”
“Please… Gabby, I drove all the way from Antipolo
Just to get here and see you.”
“I didn’t ask you to do that Raph.”
“But I did!”
“Raph!”
Niyakap niya lang ako…
at simula noon, hindi na niya ako tinigilan.
Walang mintis ang araw-araw na pagdalaw niya sakin sa school.
Hindi ko malaman kung bakit siya gan’on.
At hindi ko naman gustong maging manhid.
Alam kong may gusto siyang sabihin.
Siyam na buwan ang lumipas, pero wala siyang sinabi.
Nang isang araw, hindi siya pumunta sa school,
na ang akala ko, isang magiging normal na araw lang.
Hanggang sa mag-tatlong araw, isang linggo, isang buwan.
Akala ko tumigil na siya.
Nainis ako sa kanya.
Ang bilis niya kasing sumuko.
Pinuntahan ko siya…
“Hi tita…”
“Gabriella, iha!”
“Si Raphael po ba nandyan?
Gusto ko po kasi siyang makausap.”
“Nagpapahinga siya, Gab.”
“A… tita, isang buwan na kasing hindi niya ako dinadalaw.”
“Hindi niya siguro sinabi sayo…”
“Ang alin po?”
“May sakit siya Gabby.
Pero ininda niya dahil gusto ka niyang makita.”
…
“Gabby…
Why you’re…”
“Hanggang kailan Raph?
‘Bat kailangang itago mo sakin?”
“Hindi ko gustong itago.
Ayoko lang kaawaan mo ako.
Gusto kong humingi ng tawad sayo.”
“Raph…”
“May leukemia ako Gabby.”
Wala… wala nang lumabas pa sa bibig ko.
Tumakbo’t niyakap ko lang siya.
Umiyak ako…
Hindi niya gustong kaawaan ko siya.
At hindi ko gagawin ‘yun.
“Hush… Hindi mo kailangang umiyak.”
“Hindi naman ako umiiyak e.”
“Gabby, sa pangalawang pagkakataon, kahit hindi ko gusto,
maiiwan kita.”
“Hindi mo ako iiwan Raph.”
“Gabby…”
“Please Raph…
Tell me, you’re not gonna leave me.
Hindi ngayon na…
Mahal kita…”
“But were too late.”