A simple teenager... AKO YAN!
But ooppss! SIMPLE? Ako nga ba 'yun? Haha. Hindi b'at ang pakiramdam ko'y kilala sa buong Pilipinas ang pangalan ko? Ay mali... apilyedo pala.
Mahirap maging isang anak ng isang malaking angkan. Lalo pa’t ang ilan ay may maipagmamalaki at taas-noong nakakapaglakad sa mga mata ng iba.
Pa’no ba naman kasi, NAG-IISANG ANAK. Lahat ng tingin, sayo nakatuon, at tanaw ang ganda at ningning ng hinaharap.
“Wala kaming gusto kundi maging maganda ang kinabukasan mo.” – Yan ang malimit sabihin kung kinagagalitan.
Pero, batid kaya nilang, “HANGAD KO RIN ANG KALIGAYAHAN?”
Ligaya? Oo. Marami ako nyan. Sunod sa layaw dahil wala nga nga naman ang kapatid. May kung anu-anong unit ng cell phone, owned PC, PSP, dalawang laptops, notebook, at kung anu-ano pa. (Hindi ako nang-iinggit. Ü)
May halaga. Malamang! Mahal ‘yang mga ‘yan eh. Pero nakakulong parin ako sa mga tanong…
Ano nga ba ako bilang isang tao? May halaga ba ako?
Wala! Dahil wala ka namang silbi. Yan ang pinaparamdam sakin.
Aminan? Sige… Pero konting detalye lang ha. ((:
Bata palang ako, puno na ng kapintasan at tukso. Higit kong alaala ang noong sambitin ng ilan ang diumano’y pagkatao ko.
AMPON! haha. Sinong bata ba naman ang maliligayahan kapag sabihan nyan?
Dahil nga walang kapatid at hindi masyadong naglalabas-bahay, mas pinipili kong sa bahay ng dalawang pinsan maglagi. Halos hindi ko gustong umuwi.
“Diyan ka nalang… anak ka naman nila!” Pinagtatabuyan? Oo. Iyon ang naramdaman ko. Bagaman kalokohan dahil sa halakhakan, masakit parin pakinggan di’ba?
Legal ako. Iyon ang totoo. Pero bakit kailangang gawing biro?
May parte sa buhay ko na isang malaking biro…
Ue! Hindi pa tapos. Basa ka pa. ((:
Nag-iwan ng isang marka ang nagdaang iyon.
Sabi nila, “Time heals all wounds.” Pero hindi ang mga tawanang humahalakhak sa isipan.
For how many years I’ve longed for a sibling? Sawa na kasi akong makinig. 12 years… tagal noh? Grade six.
May kapatid na ako! Bulong ko sa isip. Sana magkasundo kami. Pag-amin ko sa sarili.
Aksidente o kamalian?
Isang gabi bago mabuhay si Sasa, tinanong ako ng isang kaibigan. “Anong gusto mong kapatid, babae o lalaki?” Lalaki… determinado kong sagot. – Kasi nga naman, babae na ako.
“Pa’no kung babae?” dagdag pa niya. “Hay! Ayoko ng babae. Kung babae, ihuhulog ko sa kanal.”
KAMALIAN. Bakit ko ba kasi nasabi iyon? Gayong sabik naman talaga ako magkaroon ng kapatid… babae man o lalaki.
Limang araw lang siyang pinahiram. Hindi pa nga nasulit dahil sa limang araw na ‘yon, sa ospital lang ang lagi niya. Incubator. Narinig siguro ni Papa God ‘yung sinagot ko. At ayaw niyang mapahamak ang anghel niya.
Humingi ako ng tawad, pero huli na. Tinanong ko pa kung bakit siya. At sabi ko, “Ako nalang sana. Hindi pa niya nakikita ang mundo Mo.”
Mahirap talagang tanggaping sa tagal mong hinangad, bilang na mga oras lang ang pinahintulot. Nagkasala ka pa.
Nagrebelde ako. Barkada, gala, hindi pag-aaral, kung sino-sinung boyfriend, at kung anu-anong bisyo (wag lang sigarilyo). Natuto rin akong sumagot ng di tama ang tono (pabalang) sa magulang.
Pati mga kaibigan ko, nadamay. Madalas kong makaaway. Kainitan ng ulo.
Hanggang maging hayskul na nga ako. Bagong lugar, kakwentuhan… at BARKADA!
Masaya, may araw-araw na dahilan ng pagpasok. Hanggang sa magsawa SILA. Hindi ko na kasi napansin ang tuluyang pagbago ng ugali ko. Palaban, matapang, mayabang – sa labas na anyo.
Walang nakaalam ng malaking eskandalo[?], maliban sa mga kaklase. Maayos pa sana. Ang dami lang talagang nakiSAWSAW. Hanggang sa wala na…
Nakaramdam ako ng pagtatraydor, ka-plastikan, at hindi pag-intindi. Hindi man lang kasi ako kinausap ng harapan. Pero naintindihan ko… HINDI MADALI.
Then I forgive… nagsimula ulit. Kahit alam kong hindi parin ako tanggap kahit bago na ang sirkulo.
Kaibigan parin ang dati, pero may lamat. Ok na siguro ‘to. At least, LESSON LEARNED!
Hindi lahat, kaibigan! Hindi lahat, makakaintindi. Hindi lahat, makikinig…
‘Yan ang mga pulis…haha. ‘Bat napasok mga pulis ditto?!
Sila naman kasi… Minsan, maling akala. Kung magpapaliwanag ka, hindi makikinig. Kung magsasabi ka ng totoo, sinungaling ka. Kaya nga may nakukulong ng walang kasalanan di’ba?
Minsan, kailangang ikaw nalang ang umintindi, at kusang magpatawad. Lalo na sa mga tao o panahong nagkasala sayo.
Sa ngayon, nakakulong parin ako at patuloy na hinuhuli. Pinipilit nilang may pagkakasala ako (though meron talaga).
Alam ko namang gusto lang nila akong i-bartolina. Madilim kasi d’on! Nakakulong na nga ako, dinadagdagan pa. Baka ma-life sentence pa ako.
Nasa SELDA man ako ngayon… Alam kong daan naman ‘to sa maningning na ilaw sa taas.
“Only God knows, why I’m still breathing.”
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento