Lunes, Mayo 16, 2011

Nang N I L I S A N ` M O .


Masakit mawalan… iwanan.

Ano pa nga bang mas sasakit kung ang taong mahal at isa sa mga importante sa buhay mo ay lisanin ang mundong dati’y magkasama niyong ginagalawan? Sa simula’y mahirap tanggapin. Kailan ba naman kasi naging madali ang isiping Wala na siya, o di kaya’y ‘Bukas, hindi ko na siya makikita o masisilayan’?
“Diba Pa, ‘pag mabait ka, mahal ka ng Diyos? Tsaka diba, ‘pag mahal mo ang isang tao hindi mo sasaktan? Hindi mo sinasaktan ang minamahal mo. Eh bakit tayo, sobra Niya tayong sinusubukan?” (-- Ms. Ai-ai de las Alas in Maalaala Mo Kaya Episode, “Krus”). Ang sabi nga nila, “Kapag nagmamahal tayo, nasasaktan tayo.
Halos lahat sa mga nakikita nating naiiwanan ay ang mga magulang. Kasi simula palang, sila naman na talaga ang laging nandyan. Bihira lang na ang anak ang iniiwanan. Nakikita natin ang paghihirap nila at ang paglaban sa sakit ng paglisan ng mahal sa buhay para sa natitira pa. Hinihiling nila sa Kanya ang KATATAGAN para mapanumbalik ang dating sigla at buhay. Kasi, hindi pa nga naman natatapos ang buhay nila kapag may nawala.

Friendship, couple, pair, partner, pero anong tawag kapag nag-iisa ka nalang? Karamihan sa mga lumilisan, may asawa. Minsan, kasi matanda na. Dahil sa edad, kaya hindi na kinaya. Naiintindihan na natin ‘yun. Halos bihira lang naman sa mag-asawa ang maghiwalay ng mundo na aksidente ang dahilan. (Yung happily married huh.)
Ang swerte nila noh? Kasi, sa mga natitirang araw at panahong nailagi ng isa, nakasama niya ang naging kalahati at kabiyak ng puso at buhay niya. They spoke to their vows, “… from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, until death do us part.” At sila ang nakakaalam at makakapagsabi, kung paano nila naisakatuparan ang mga pangakong ito sa harap ng Panginoon at sa mga saksi sa araw na iyon.
Pero paano naman ang mga magkasintahan? Na kung iisipin, kulang ang isang araw sa tuwing magkasama. Paano natin sila maiintindihan kapag sila na ang nawalan? Paano natin papakinggan ang pagdaing nila sa pagkawala ng isa? Paano natin susubukang maramdaman ang pagkamatay ng kalahati ng puso nila? Paano silang nagsisimula nang buuhin ang pangarap at naghihintay ng magandang bukas sa piling at bisig ng bawat isa? Alam nga ba natin ang sakit na pinagdaraanan at nilalabanan nila?
Minsan sa buhay, may mga bagay na kailangang pagsinungalingan. May mga salitang, mas mabuting hanggang doon na lamang. Kung minsan kasi, doon tayo mas nagiging panatag.
Malimit nating sinasabi sa taong nawawalan ng mahal sa buhay, “Kaya mo ‘yan… NAIINTINDIHAN KITA!” Pero, hindi naman talaga ‘di ba? Dahil hindi naman ikaw o tayo ang nasa posisyon nila para maramdaman iyon. Pwera nalang siguro kung napagdaanan na natin. ‘Dun, maniniwala pa akong naiintindihan mo nga siya. Pero kung hindi, maiintindihan kayang talaga natin?


“I want to be a teacher, a lawyer, and suddenly a doctor. I want to be able to write well, to sing well, and to dance well. All of those changed except one. I knew I want to marry a guy. And his name was AJ Perez…– The sweetest thing I’ve ever heard.
 “… He told me that even if I don’t say ‘I love you’ back away or show him sweetness just like he would, his exact words were, ‘I would wait a lifetime.’…” – He’s starting to fulfill his promise.
“… If this is God’s way of showing me forever, I accept it… – Ang mahalin ang taong minsang naging mundo niya habang buhay.
“… AJ taught me how to love. He was very selfless. His love was the most pure thing on Earth. It was, in every way, unconditional. And probably that’s the message here. He wants all of us to love the way he did also.” – And he made us feel, the love of God.
– Steph Ayson, AJ Perez’s girlfriend, eulogy for him.

Isang tanong para sa kanila (mga naiwan), “Kailan niyo kayang magmahal muli nang hindi na ulit matatakot na muling masaktan at lumuha?” At sa mga susubukang buksan ang natitira pang bahagi ng puso nila, “Hanggang kailan kayo maghihintay at uunawain ang bawat patak ng luha nila?” – dahil sabi nga ng ila, mahirap makipagkumpitensya sa patay.
Ang bawat isa’y makasalanan. Dahil hindi naman lahat ay pawang katotohanan. Mula sa pagmulat, hanggang sa pagpikit muli ng mga mata, may mga bagay nang hindi mo nais maranasan. May mga pagkakamali ka na minsa’y hindi kailangang pagsisihan.
Tulad nalang ng pagNGITI. Sa dami mong problema, iiyak ka pa ba? Hindi ba’t mas mabuting ngumiti ka nalang? Hindi ka pa mag-iisip kung anong pwedeng sabihin at idahilan kung sakaling magtanong sila, “Okay ka lang… may problema ba?” Kung sasagot ka naman, “Okay lang ako, wala naman akong problema.” Naku, nakapagsinungaling ka pa.
Ang hirap talaga pag isang ngiti ang ibinigay sa iyo ng isang tao. Dahil sa ISANG bagay na iyon, isang libong kahulugan na ang naroon.
Mahirap ngumiti, tumawa, o ang magpakasaya lalo kung alam mo sa sariling sa pagngiti mong iyon, isang matamis na kahapon at isang realidad ng ngayon na hindi na tulad noon ang kasiyahan mong higit na hindi kayang pagsinungalingan.

“It’s never the tears that I used to measure my pain. Sometimes, it’s the smile that I fake just to show others I’m okay.”

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento