Wagas kong pagmamahal,
inialay ko
Sa lalaking animo’y
nagbalat-kayo.
Lubos ang aking kalinga’t
pag-unawa,
Na siyang sanhi ng hapdi
at mga luha.
Sa pagdaan ng panaho’y
walang sigla,
Kahit sa ibang bagay,
ligaw at lanta.
Ibalik ang dating ako,
sigaw nila.
Maging aking sarili’y na’san
na nga ba?
Ngayo’y heto ako’t
muling bumabangon,
Mula sa pagkawasak,
maging pag-ahon.
Taong nagsilipas at
aking natamo
Mga natutunan mula sa
pagkabigo.
Ngunit ano ba itong
nakikita ko?
Hangad na naman ba’y
pansin at pagsuyo?
Kung pag-aalayang muli,
sasaya ba?
O dahilan ulit ng muling
pangamba?
Heto, sinubukang muling
magtiwala.
May takot man, ako pari’y
naniwala
Sa matatamis n’yang mga
salita sa’kin,
At kung anu-anong
pangako’y inangkin.
Binigyan ko ulit ng
pagkakataon
Upang ako na’y hilumin
ng panahon.
Sa kanya, hinayaan kong
muling buksan,
Puso kong nasugatan ng
nakaraan.
Ako’y nahirapan sa
pagpapakita
Upang damdamin ko’y
hindi mahalata.
Hanggang ngayo’y takot
paring magtiwala
Na baka ang pag-asa’y
biglang mawala.
Sadya ko siyang minahal
sa’king kaya,
Ngunit hangad ay higit,
ano pa kaya?
Ako’y hindi
maintindihan, bakit ba?
Pilit nagpapaliwanag,
ano ka ba?
Unang paglisa’y hindi
maintindihan.
Ano nga bang aming
pinagdaraanan?
“Ikaw ang dahilan”, kanyang
paliwanag,
At patak ng luha’y aking
naaninag.
Kami’y muling nagkaayos
at bumalik,
At para bang sa isa’t-isa’y
nanabik.
Ngunit heto, isang
problema’y dumating,
Hiwalayan ulit ba ang
sasambitin?
Sa pagpapakatanga’y
muling lumapit,
At ako’y humiling na
siya’y kumapit.
Pangako ko sa kanya’y
walang kapalit,
Kung hindi bibitaw at
maging mabait.
O hirang, ako’y
paniwalaan,
Sambit ng aking labi’y
may nilalaman.
Pandinig sa kanila’y h’wag
mong buksan,
Kung ayaw mong waksan
ang pagmamahalan.
Ngunit pinili ng iyong
kalooban
Na ako’y huwag dinggin
at nang pagsarhan,
Iyong tiwala’y nawala nang
tuluyan.
Maging ang iyong
pangakong, “Walang Hanggan”.
Sa pangatlong beses ng
iyong paglisan,
Hangad ko na bukas ang
iyong isipan.
Sa pagdesisyon ng muling
pagwawakas,
Mukhang hindi nga ito
ang ating landas.
Umiibig pa’y dapat nang
pakawalan,
Upang hindi maibalik ang
nagdaan.
Kung saan ako’y lumuha’t
nahirapan
Sa mga taong hindi alam
ang tunay kong kahalagahan.